LISTAHAN NG MAHAHALAGANG LINKS RELATED TO CIVIL SERVICE EXAM

Para mas mapabilis at mapadali ang buhay, I compile links of Civil Service Exam para sayo at ng hindi na mahirapan sa kakatanong sa mga fb groups.

CIVIL SERVICE EXAM

Janice De Herce

5/1/20252 min read

Ma'am saan po ang result ng exam?, Saan po mag schedule ng appointment for Certificate of Eligibility, Ma'am penge po ng link saan mag-online appointment kapag nag-apply sa CSC EXAM". Ilan lamang ito sa mga kadalasang tanong ng mga nag memessage sa akin kaya naman, ito na, I compiled the links to help you.

  • Civil Service Commission official website https://www.csc.gov.ph/ - dito makikita ang announcements at examination advisories at lahat lahat na about CIVIL SERVICE COMMISSION maaari din mag download ng forms dito pero available din ang examination forms dito sa page natin, go to Downloads https://janicedeherce.com/downloads

  • OCSEAS/Online Civil Service Examination Application System https://ocseas.csc.gov.ph/home - dito mag online appointment para sa Civil Service Exam. Read our article, Paano mag-apply sa Civil Service Exam https://janicedeherce.com/paano-mag-apply-sa-civil-service-exam2025 para malaman kung ano-anong mga region lamang ang pwd sa OCSEAS at ano ang gagawin kung wala sa OCSEAS ang region mo. You can also watch step-by-step guide kung paano mag-online appoointment sa OCSEAS.


  • CSC E-SERVE - https://services.csc.gov.ph/ - Para sa pag online appointment ng ibang region for the csc application. Depende sa region. Para din ito sa pag-online appoinment kung may kukunin sa office tulad ng certificate of eligibility.