CIVIL SERVICE EXAM RESULTS MARCH 2, 2025 Examination (Saan makikita at kailan?)

Impormasyon tungkol sa CIVIL SERVICE EXAM RESULTS MARCH 2, 2025 EXAM

CIVIL SERVICE EXAM

Janice De Herce

4/30/20252 min read

CONGRATULATIONS! Yes congratulations sayo, ikaw na nagbabasa nito. Pasado ka na panigurado.

Marami na ang excited, ilang araw nalang at lalabas na ang result ng Civil Service Exam na ginanap noong March 2, 2025 kaya sagutin na natin ang mga kadalasang tanong.

  1. Kailan ba ilalabas ang resulta ng Civil Service Exam noong March 2, 2025

    Ang resulta ay malalaman ngayong May 2, 2025.

  2. Anong oras ilalabas ang resulta?

    Walang nakakaalam subalit kung ang pagbabasehan ay ang mga nagdaang results, kadalasan ay bago magtanghali ay malalaman na ang resulta.

  3. Saan makikita or ma view ang result?

    Ang Civil Service Exam March 2, 2025 results ay makikita sa CSC EXAM PORTAL

I type ang inyong apilyedo sa SURNAME para mas mabilis makita ang resulta, kompletohin din ang lahat ng detalye lalo na ang region at kung anong level ng exam ang kinuha. Kung gusto mo naman makita ang kompletong listahan ng mga pumasa sa inyong region ay huwag lagyan ng Surname ang Surname box.

Kada labas ng Civil Service Exam results ay marami ang mag pm sa akin, "Ma'am bakit wala ang pangalan ko sa CSC EXAM PORTAL?", kung wala po ang inyong pangalan, ibig sabihin ay hindi po kayo pinalad na makapasa sa Civil Service Exam. Take note that CSC EXAM PORTAL is only for the list of passers.

Pero bago kayo malungkot, make sure to double check the information you entered in the boxes.

  1. Make sure na tama ang spelling ng Surname.

  2. Make sure na tama ang Region, ito ay Region kung saan kayo nag take ng exam at hindi region kung saan kayo nakatira.

  3. Make sure na tama ang level ng exam (Professional or Sub Professional level) basi sa kung ano ang kinuha nyo na exam noong nakaraang March 2, 2025.

Goodluck everyone. Sana ay pumasa kayo sa Civil Service Exam at hindi na kailangan mag retake this coming August 2025. Maybe my experience on how I passed the Civil Service Exam will also inspire you while waiting for the release of results.