PAANO MAG-APPLY SA CIVIL SERVICE EXAM?

May layuning tumulong para sa mga aspiring individuals na nangangarap makapag take at pumasa sa CIVIL SERVICE EXAM.

CIVIL SERVICE EXAM

Marami na nga ang nagtatanong kung paano ba mag-apply sa Civil Service Exam ngayong May 13-June 13 para sa August 11, 2025 na examination. Una, I would like you to understand that hindi po pare pareha ang pamamaraan ng pag apply para sa CIVIL SERVICE Exam, ito ay naka depende po sa bawat region o lugar kung saan ka mag te take ng exam.

May mga regions o lugar na kailangan munang mag online appointment sa OCSEAS WEBSITE, mayroon ding mga lugar na kailangan mag online appointment muna sa sariling link na gawa ng Civil Service Commission sa inyong region, at mayroon ding mga regions na walk -in ang pagtanggap ng application para sa Civil Service Exam. Isa isahin natin para mas malinaw.

Ang mga sumusunod na Regions ay sa OCSEAS website mag online appointment ngunit hindi ibig sabihin na pagkatapos mag online appointment ay tapos na ang application. Ang online appointment ay nangangahulugan lamang na kailangan mo mag set ng araw kung kailan mo gusto magtungo sa Civil Service Commission office upang mag submit ng requirements at magbayad ng 500 pesos na exam fees.

Regions na mag online appointment gamit ang OCSEAS WEBSITE:

OCSEAS link  https://ocseas.csc.gov.ph/home

Ang mga regions naman na wala sa OCSEAS WEBSITE ay kailangan I follow ninyo ang FB page ng Civil Service Commission sa inyong lugar upang maging updated kayo kung paano ang application sa inyong lugar dahil kada taon ay nagbabago po ang istilo ng application. Sa FB page po ng CSC sa inyong lugar ay doon po sila mag popost ng sarili nilang link kung saan kayo mag online appointment or di naman kaya ay mag po post po sila ng step-by-step guide kung ano ang dapat ninyong gawin or kung saan maaaring magpasa ng requirements kung sakaling walk-in ang pag apply. 

Halimbawa itong FB page ng Civil Service Commission sa National Capital Region o NCR ay nagpost noong nakaraang November para sa ginanap na exam noong March 2025.

Goodluck sa inyong pag-apply sa Civil Service Exam. Para sa mathematics na pag rereview, please visit my FB page, Civil Service Exam Quick Review.