PAANO KUMUHA NG CERTIFICATE OF ELIGIBILITY SA CIVIL SERVICE EXAM?
Congratulations at Eligible kana! Here's a guide on how to claim your Certificate of Eligibility.
Janice De Herce
5/17/2025


Alam ko hindi madali ang inyong pinagdaanan bago makarating sa pagkuha ng CERTIFICATE OF ELIGIBILITY. Bago ang lahat, I would like to CONGRATULATE YOU FOR PASSING THE CIVIL SERVICE EXAM!
Para naman sa mga nagbabasa nito na hindi pa pasado, kaya mo yan at balang-araw ay makukuha mo din ang iyong Certificate of Eligibility sa Civil Service Exam.
Ano ang Certificate of Eligibility?
Ang Certificate of Eligibility ay ibinibigay sa mga Career Service Exam passers o mas kilala bilang Civil Service Exam sa Pilipinas. Ito ay nagpapatunay na ikaw ay eligible na para mag-apply sa mga posisyon sa gobyerno. Basahin ang article na ito for more information kung paano mag-apply sa Civil Service Exam https://janicedeherce.com/paano-mag-apply-sa-civil-service-exam2025
Paano kumuha ng Certificate of Eligibility sa Civil Service Exam?
Siguraduhin na naka follow sa FB pages ng Civil Service Commission sa inyong region o kung saan ka nag-exam para palaging updated sa announcement ng schedule. Iba na kasi ngayon, bawat region ay may kanya-kanya ng schedule at pamamaraan ng pag release ng Certificate of Eligibility.
Halimbawa ang NCR ay nagpost sa kanilang fb page noong nakaraang taon kung paano kumuha ng certificate of eligibilty at kung kailan kaya napaka importante na updated kayo sa fb page ng CiviL Service sa inyong region.
Also, another proof na lahat ng announcements kung paano kumuha ng Certificate of Eligibility ay nasa Facebook pages ay itong post ng CSC Region 7 ng nakaraang taon na nagsasabing kailangan muna mag online appointment sa CSC E-SERVE bago magpunta.
Para sa listahan ng Facebook pages ng Civil Service Commission sa iba't-ibang region, visit this link https://janicedeherce.com/civil-service-commission-fb-pages-by-region-with-links
Kung walang update o announcement sa FB PAGE, tingnan kung makikita mo ang inyong region sa CSC E-SERVE website kung saan ka makakapag book ng appointment . Mas mabuti na kontakin muna sila para siguradong available na ang inyong Certificate lalo na kung kaka exam mo lang.
Magdala ng mga sumusunod na requirements
• Original copy of one Valid ID with date of birth
• One piece photo with printed name tag and signature
• Original and clear photocopy of Marriage Contract (for married women)
• Php 100/copy for Certification and Php 50/copy for Authentication
Mag fill-up ng ERRF FORM, maaaring mag download at mag fill-up sa bahay at maaari din na sa office na humingi ng form at doon na mag fill-up. Maaaring mag download dito
For more information, watch the video below:



