PAANO KUMUHA NG CENOMAR SA PSA?

Ang CENOMAR ay isa sa mga requirements para sa pagpapakasal kaya in this post ay pag-usapan natin paano ba ang step-by-step-guide sa pagkuha nito.

JANICE DE HERCE

5/26/2025

Ano ang CENOMAR?

Ang CENOMAR o CERTIFICATE OF NO MARRIAGE ay isa sa mga requirements para sa mga ikakasal. Ito ay nagpapatunay na ang isang indibidwal ay hindi pa kasal sa iba.

Requirements na kailangan:

  1. VALID ID

  2. VALID ID ng nag-utos kung ikaw ay authorized lamang

  3. Authorization letter galing sa nag-utos sayo, paano gumawa, CLICK HERE for sample

  4. FEES na 210 pesos bawat kopya ng CENOMAR

    Magkano ang CENOMAR?

    210 pesos kada kopya

Paano kumuha ng CENOMAR sa PSA?

  1. Mag-book ng online appointment muna sa PSA branch (dating NSO) kung saan mo gustong magpunta para kumuha. I check sa google map ang pinakamalapit na PSA branch sa iyong lugar. Panoorin ang video sa ibaba kung paano mag-online appointment.

  2. Ihanda lahat ng requirements bago ang araw ng appointment.

  3. Pumunta sa araw ng iyong appointment at mag-fill-up ng CENOMAR application form, magtanong sa guard kung saan kukuha ng form.

  4. Pagkatapos mag fill-up mg CENOMAR FORM, dalhin ito sa verifier at i checheck niya lahat ng requirements mo

  5. Proceed kana sa cashier pagkatapos i check ang iyong requirements.

  6. Magbayad ng 210 pesos bawat kopya na iyong kukunin.

  7. Maghintay ng dalawa o tatlong araw bago bumalik sa PSA branch para mag claim, depende sa kung ano ang sasabihin ng taga PSA o ano ang nakasulat sa iyong claim stub.

  8. I check kung tama lahat ng impormasyon at spelling sa CENOMAR bago umalis para siguradong hindi na pabalik balik. Tandaan na ang nakasaad sa CENOMAR ay siya ding mag rereflect sa iyong marriage license at marriage certificate o kung may makitang pagkakaiba sa iyong birth certificate at CENOMAR ay hindi ito tatanggapin ng munisipyo o city hall kung saan ka mag-aaply ng marriage license.

Narito ang video para sa kompletong detalye at kung paano kumuha at mag-online appointment ng CENOMAR sa PSA.