PAANO GUMAWA NG AUTHORIZATION LETTER SA PSA?
SAMPLE AUTHORIZATION LETTER SA PSA o sa pagkuha ng Birth certificate, CENOMAR, DEATH AT MARRIAGE CERTIFICATE
JANICE DE HERCE
5/25/2025


Nakapaloob sa post na ito ang sample ng authorization letter para sa pagkuha ng Birth Certificate at iba pang dokumento sa PSA o Philippine Statistics Authority. Sa dulo din ng post na ito ay may video na pwede ninyong panoorin para sa mas kompletong explaination ko ng paggawa ng Authorization Letter.
Ang sample na ito ay galing mismo sa PSA office sa Tagbilaran Branch kung saan ako kumuha ng Birth Certificate dati.
Naisipan kong ibahagi sa inyo sapagkat alam ko na marami ang nahihirapan kung paano gumawa o sumulat ng Authorization Letter sa PSA. Marami ang hindi alam kung paano mag-umpisang sumulat at ano ang mga detalye na dapat ilagay. Take note na ang ibang branch ng PSA ay istrikto sa AUTHORIZATION letter kaya
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAWA NG AUTHORIZATION LETTER SA PSA:
Siguraduhin na tama ang lahat ng spelling ng detalye ng nag-utos sa iyo.
Siguraduhin din na tama at wasto ang detalye ayon sa kung ano ang nakasulat sa Birth Certificate kung halimbawa ay kukuha ng CENOMAR.
Kung kasal na babae at kukuha ng birth certificate, ang apilyedo na ilalagay ay apilyedo pagkadalaga.
Kailangan ang mga impormasyong isinulat ay tugma sa valid ID na ipapakita sa PSA.
Siguraduhin na kompleto ang detalye at tugma ang pirma sa authorization letter at sa valid ID ng taong nag-utos sa'yo.
SAMPLE AUTHORIZATION LETTER SA PSA
Narito din ang video ng kompletong pag explain ko kung paano gumawa ng AUTHORIZATION LETTER SA PSA, panoorin ito.

