CIVIL SERVICE EXAM RESULTS ng nagdaang March 2025, 14.57 % lang ang pumasa
CIVIL SERVICE EXAM
5/15/2025


Out of 318, 977 examinees (Professional and Sub-Professional level) ng Civil Service Exam na ginanap noong nakaraang March 2, 2025, only 46,470 individuals ang pumasa dito. Ang 42,472 ay galing sa Professional level (with total examinees of 287, 250) at ang 3,998 naman ay galing sa Sub-Professional level (with total examinees of 31,727). Ibig sabihin, only 14.57% ng kabuuang examinees ang pumasa.
Ang pagpasa sa Civil Service Exam sa Pilipinas ay nagbibigay ng Eligibility sa isang indibidwal upang makapag-apply sa mga government positions kung kaya libo-libo ang nagnanais na makapag take ng exam na ito at pumasa dito dahil sa mga magagandang benepisyo na makukuha bilang isang government employee at pagkakataong makapagsilbi sa bayan.
Ang Civil Service Exam ay ginaganap dalawang beses sa isang taon at ang susunod na exam sa taong ito ay gaganapin sa August 10, 2025 ayon sa Civil Service Commission website. Ang registration ay kasalukuyan ng nag-uumpisa simula May 13 hanggang June 11, 2025. Para sa mga interesado, maaaring basahin dito ang iba pang detalye at karagdagang impormasyon tungkol sa Civil Service Exam READ HERE.
Samantala, ang lahat ng examinees, pasado man o hindi, sa nakaraang March 2, 2025 examination ay maaari ng makita ang rating ng examination o ang nakuhang score sa bawat category ng exam simula May 17, 2025 gamit ang OCSERGS website. Hanapin dito ang link https://janicedeherce.com/listahan-ng-mahahalagang-links-related-to-civil-service-exam. Maari rin panoorin ang video sa ibaba kung paano gawin gamit ang OCSERGS.