PAANO AKO PUMASA SA CIVIL SERVICE EXAM?

MY CIVIL SERVICE EXAM JOURNEY

CIVIL SERVICE EXAM

JANICE DE HERCE

4/28/20253 min read

I am Janice De Herce, owner of Facebook page Civil Service Exam Reviewer by Janice De Herce (245k followers as of this writing) and Civil Service Exam Quick Review (30k followers and counting).I am a Civil Service Exam passer-Professional level, one take! Yes, one take only. This article is not to brag but rather to inspire. Ordinaryong tao lang naman ako kaya walang dapat ipagmayabang. Ordinaryong tao pero dating nangarap na makapasa sa Civil Service Exam at gumawa ng hakbang para makamit ito.

I passed the Civil Service Exam year 2019. I was in my last year sa college that time at the age of 28. Yes, 28! Andami ko pa kasing pinagdaanan bago makapagtapos ng college, pero anyway, ibang article na naman yun syempre, hehe. Civil Service kasi ang topic natin dito. So yun na nga, paano ba ako pumasa?

I was in the middle of my feasibility study when I decided to take the exam kaya medyo busy sa school. Walang nakakaalam except 2 close friends and my partner. Nakita ko lang ang post ng Civil Service Commission sa FB at nag-apply agad ako pagdating ng registration. At that time hindi ko pa alam kung saan ang office ng Civil Service Commission sa Cebu City, I've been in Lahug for many times but I never saw the CSC office. Nagtanong lang talaga ako, nag hire ng habal-habal at nagpahatid. Dahil busy nga sa school, I never had the chance to review seriously. Basa basa lang may time. Sumali ako sa mga fb groups about Civil Service Exam, at natuto akong mag download ng mga pdf files reviewers contributed by the members of the group. Nasa file section ng FB groups makikita. I downloaded so many but read maybe 2 files only, hehe. Wala pa akong idea before na meron palang mga Civil Service Exam review centers, YouTube tutorials, FB tutorials, online tutorials via zoom, and even physical book reviewers, talagang pdf files lang yung nahanap ko. Maswerte ang mga kukuha ng Civil Service Exams ngayon dahil sobrang dami na ng available materials or means para makapag review. Time management at sipag ang kailangan. Huwag nyo ko gayahin na basa basa lang pag may time. Pero of course, I can fully relate to those who has no time for review, kahit sabihin pa time management lang yan. Iba-iba kasi tayo ng buhay, marami sa mga nangangarap mag take ng Civil Service Exam ay trabahante na, papasok ng maaga, uuwi ng gabi, kakain, makakatulog, minsan hindi na makapagpalit ng uniform dahil sa sobrang pagod. Some are even mothers na pagdating galing trabaho may anak pa na aalagaan. Kaya minsan mahirap talaga ang mag manage ng time to review. Kapag ipinilit din natin na mag review habang pagod, wala ding papasok sa utak natin. Marami din ang nangangarap mag online review, manood ng tutorials pero walang load pang data dahil sa sobrang hirap ng buhay. Yung kahit pamasahe pagdating ng exam ay hindi pa alam kung saan manghihiram. Yung kahit ang 500 pesos na ibinayad sa exam ay cash advance pa. Mapalad tayong may mga sariling WiFi sa bahay at unlimited access sa internet. Sobrang dami na kasi ng available materials for review. Minsan nga naisip ko, kung pwede lang gawing available ang mga Math videos ko sa Facebook kahit sa mga naka free data. By the way, ang FB page natin na active ay ang Civil Service Exam Quick Review pero marami din kayong matutunan sa unang page natin, sobrang dami kong videos doon.

When I took my Civil Service Exam, on the day mismo ng exam, I saw a lot of different people. I was amaze dahil sa sobrang dami ng may pangarap. Different level of ages, at isa sa sobrang naka inspire sa akin is a man at 69 years old. Napagkamalan ko pa siyang teacher doon sa paaralan. Sana pumasa si Kuya, I never heard from him after the exam kahit hiningi niya pa number ko.

Teka nga muna, nasagot naba ang tanong kung paano ako pumasa? Hahaha ang layo na natin, pero yun na nga, I passed the Civil Service Exam with 2 pdf files reviewer at mas marami yung stock knowledge of the basics. Basic mathematics like fractions, percentage, ratio and proportion, discounts , simple interests, etc. Sa FB page ko, kahit basic long division like 7 divided by 2.4 ay itinuturo ko, why, because bawal calculator during the exam and pagdating ng exam dapat mabilis ka mag divide, mag add, mag subtract, mag multiply dahil oras ang kalaban mo. Basic knowledge din sa English is very important such as grammar , mga verb, adverb, adjective, subject, predicate, spelling, etc. Kaya kung mag rereview kayo, just the basics, huwag nyo na pahirapan ang sarili nyo, recall nyo lang lahat ng natutunan nyo mula elementary hanggang high school siguradong pasado na kayo sa Civil Service Exam.

But of course, dapat higit sa lahat, mas marami ang PRAYERS at HOPE. Always think of the reasons why you are taking the exam and why you need to pass.