BIRTH CERTIFICATE WITH QR CODE, AVAILABLE NA SA ONLINE DELIVERY

BIRTH CERTIFICATE WITH QR CODE AVAILABLE NA SA PSA HELPLINE ONLINE DELIVERY

JANICE DE HERCE

5/28/2025

Birth Certificate with QR CODE

 Ito na ang bagong release ng PSA na mga Birth Certificate simula 2023. Para sa karagdagang kaalaman para sa Birth Certificate with QR CODE at kung paano kumuha nito na ikaw mismo ang pupunta sa PSA branch, CLICK HERE.

Nabanggit nga natin sa ating nagdaang post na hindi pa available ang PSA BIRTH CERTIFICATE WITH QR CODE sa online delivery katulad ng PSA SERBILIS AT PSA HELPLINE dahil hindi pa updated ang kanilang server, subalit sa post na ito ay may good news tayo para sa mga nangangailangan ng PSA BIRTHCERTIFICATE WITH QR CODE ngunit walang panahong magpunta ng PSA branch dahil sa trabaho. Ang good news?, available na ito sa PSA HELPLINE.

Ano ang PSA Helpline?

Ang PSA HELPLINE ay isa sa mga support system ng PSA o Philippine Statistics Authority. Isa sa malaking tulong ng PSA HELPLINE ay ang online delivery system kung saan maaari ng magpadeliver g dokumento sa bahay mismo katulad ng PSA Birth Certificate, CENOMAR, marriage certificate at Death Certificate. 

Available na ba ang QR CODED BIRTH CERTIFICATE SA PSA HELPLINE? 

YES. Please watch the video below for more explaination at kung paano mag book ng iyong order sa PSA Helpline.