PAANO KUMUHA NG PSA BIRTH CERTIFICATE WITH QR CODES

JANICE DE HERCE

5/16/2025

May bago sa PSA Birth Certificate, ito ay ang QR CODES!

Ano ang PSA Birth Certificate with QR CODES at bakit may ganito na?

Actually hindi ito bago, year 2023 ng maglabas ng public advisory ang Philippine Statistics Authority na magkakaroon ng additional feature ang BIRTH CERTIFICATE at ito nga ay ang QR CODES. Ito ay upang mas maging secure ang PSA birth certificate copy at mas mabilis na malaman kung ito ay peke o hindi. 

Paano kumuha ng may QR CODE?

Ito ang kadalasang tanong ng karamihan sapagkat halos lahat ng agency ngayon lalo na kung ikaw ay mag-aapply abroad ay naghahanap na ng PSA BIRTH CERTIFICATE with QR CODE. 

Dahil nga sa ito ay additional security feature lamang, ang pagkuha nito ay katulad lang ng nakasanayan nating proseso sa pagkuha ng PSA BIRTH CERTIFICATE. Simula August 2023 ay may QR CODE na ang lahat ng PSA birth certificate na ni rerelease ng PSA maliban lamang kung ikaw ay mag-oorder online gamit ang PSA SERBILIS sapagkat as of this writing ay hindi pa updated ang kanilang server. 

Samantala, kung ikaw ay oorder naman sa PSA helpline, ito ay may QR CODE na din.

Kadalasang tanong, valid pa rin ba ang lumang PSA BIRTH CERTIFICATE NA WALANG QR CODE?

YES! kahit sa pagkuha ng passport valid pa rin ang dating dokumento.

Tandaan na halos lahat ng PSA branches ngayon ay kailangan na ng online appointment muna bago magtungo sa branch upang kumuha ng PSA birth certificate. Panoorin ang video tutorial para sa karagdagang detalye at kung magkano ang pagkuha ng PSA BIRTH CERTIFICATE WITH QR CODE.

Kung gusto mo naman  mag-order online kahit na walang QR CODE , panoorin ang video kung paano magpa online delivery sa PSA SERBILIS para hindi na kailangang pumunta ng branch.