PAANO MAG REGISTER SA PHILHEALTH YAKAP?

REGISTER PHILHEALTH YAKAP GAMIT ANG E-GOV PH

INFORMATION

9/3/20252 min read

Paano mag register sa philhealth yakap program gamit ang e gov ph app?

Ang yakap program ay ang dating tinatawag na konsulta program, ngayon ay mas pinaganda dahil sa libreng gamot na aabot hanggang 20,000 pesos kada Pilipino kada taon. Mayroon na rin itong libreng cancer screening at mas pinadami pa ang mga libreng gamot na maaaring ma avail natin. Ang pinaka unang gagawin para makagamit ng yakap program ay ang pagregister muna o pagpili ng yakap clinic kung saan mo gustong magpakonsulta para makahingi ng resita na siyang dadalhin mo sa accredited gamot facility o mga pharmacy. Ang yakap clinic ay mga publikong hospitals at mga rural health centers na accredited na ng philhealth yakap program.

May tatlong paraan upang makapag register sa yakap clinic na gusto mo, una ay ang pagregister gamit ang Egov-ph app, pangalawa ay gamit ang Philhealth member portal pangatlo ay ang pagtungo mismo sa Philhealth office o sa Yakap accredited clinics.

Panoorin sa video sa ibaba kung paano gamit ang Egov-ph. Kailangan ay nakapag download kana ng e gov ph app sa iyong mobile phone, at nakapag sign up kana at verified na ang account mo at medyo matagal na ito. Paano mag sign up, panoorin sa video na nasa ibaba. Hinid pwede ang kakagawa pa lang na account. Kung pasok ka sa mga criteria na yan ng egov ph, pwd ka ng mag register sa pamamagitan ng pag click sa NGA , pagkatapos ay i type sa search bar ang Philhealth para mas madaling makita pwd din na i scroll pataas, pag nakita na ang philhealth member portal i click ito at lalabas ang continue to my account, i click yan, at makkikita na ninyo ang inyong philhealth profile. Sa pinakadulo, sa bandang kanan, makikta ninyo ang Yakap, i click yan, pagakatapos i click ang add yakap provider, pumili sa province kung taga saan ka, at sa municipality. Pag nakapili na ng lugar automatic na lalabas ang mga accredited na yakap clinic sa inyong lugar, nirerekomenda ko na piliin ang pinkamalapit sa inyo na gusto mo. I click ang select para pumili at i click ang yes kung sigurado na sa napili. Tandaan na isang beses lamang sa isang taon maaaring mag palit ng yakap clinic provider at ang naka register dito sa iyong philhealth account ay dyan ka lamang maaaring magpakonsulta para maka avail ng libreng gamot.