PAANO MAG FILL-UP NG PHILHEALTH FORM?
Ituturo ko sa post na ito kung paano ang tamang pag fill-up ng PHILHEALTH FORM, sana ay makatulong.
Janice De Herce
5/21/2025


Ano ang PHILHEALTH FORM o PMRF?
Ang Philhealth form o PMRF ay ang Philhealth Member Registration Form na ginagamit at pini fill upon sa tuwing ikaw ay magpapa member sa Philhealth o di kaya ay mag update ng iyong information o data.
Para sa gustong mag download at mag fill-up in advance sa bahay, maaaring magdownload dito
Pero available din ang PHILHEALTH FORM sa Philhealth office at maaaring doon na mag fill-up. Kung gusto mong manood ng video kung paano ang tamang pag fill-up, nasa pinakadulo ng page na ito. Maaari din na basahin ang sumusunod kung mas prefer mo ang magbasa.
Lahat ng impormasyon sa PHILHEALTH APPLICATION FORM O PMRF ay dapat isulat in CAPITAL LETTERS. Kung hindi applicable sa iyo, lagyan ito ng N/A.
Lahat ay kailangan fill-upon maliban nalang kung may nakalagay na optional. Tandaan na kapag ikaw ay nakapirma na, nangangahulugan ito na tama lahat ng impormasyon na iyong isinusulat.
Para sa mga first time pa na magpaparegister sa Philhealth, kailangan ay may dala kayo na valid ID o kahit na anong dokumento na magpapatunay ng iyong pagkatao. Para naman sa mag-uupdate ng inyong impormasyon, dapat ay magdala din ng supporting documents, halimbawa kung ikaw ay magbabago ng iyong status sa Philhealth from single to married ay kailangan magdala ng marriage certificate.
Sa PURPOSE, i check kung kayo ay for REGISTRATION O FOR UPDATING sa Philhealth.
Kailangan din lagyan ng konsulta provider, ang konsulta provider ay ang public hospital o health center na malapit sa lugar mo, pipili ka ng isa kung saan mo gustong magpa konsulta kung sakali para maka avail ka ng libreng konsulta sa konsulta provider na pipiliin mo.
Kailangan sundin ang tamang pagsulat ng pangalan, sundin ang format kung saan una ang surname o last name o apilyedo, sunod ang pangalan, tapos ang extension name halimbawa sa mga lalaki kung mayroong Jr. at panghuli ang middle name. Kung walang middle name, dapat ay naka check ang box sa gilid na NO MIDDLE NAME, i check din ang MONONYM kung ikaw ay may single name.
Siguraduhin na ang pangalan mo ay tugma sa kung ano ang nakasulat sa iyong birth certificate.
Ang kompletong pangalan din ng mama mo sa pagkadalaga o ang mother's maiden name ay dapat tugma din sa iyong birth certificate.
Kompletohin din ang pangalan ng iyong asawa sa SPOUSE NAME kung ikaw ay kasal.
Para sa mag-uupdate ng impormasyon, i check ang box kung anong klaseng update o amendment ang gagawin, makikita ito sa likurang bahagi ng PHILHEALTH APPLICATION FORM O PMRF.
Sa member type naman, piliin ang tamang magdedescribe ng iyong kasalukuyang status.
Huwag kalimutan ang pirma sa pinaka ibabang bahagi ng PHILHEALTH application form.
PANOORIN ANG VIDEO SA IBABA FOR MORE INFORMATION KUNG PAANO MAG FILL-UP NG PHILHEALTH APPLICATION FORM.

