PAANO MAG FILL-UP NG BIO-DATA?
JANICE DE HERCE
5/18/2025


Ang Bio-Data ay isa sa napakahalagang dokumento para sa pag-aapply ng trabaho lalong lalo na para sa ating mga regular at ordinaryong mamamayan kaya napaka importante na wasto at totoo ang lahat ng sinusulat natin dito dahil dito nakasalalay ang "chance" natin na matanggap sa trabahong ating pinapangarap.
Paano ba ang tamang pag fill-up ng Bio-Data?
Narito ang sample ng BIO-DATA, kung gusto ninyo na mag download at mag print ng sarili ninyong bio-data ay maaaring i click itong dowload button, maaari din na bumili sa tindahan o sa school supply.
PERSONAL DATA
Ito ay tungkol sa iyong mga personal na impormasyon. Nakapaloob dito ang mga sumusunod:
Position Desired - kung ano ang posisyon na gusto mong applayan, halimbawa ikaw ay mag-aaply bilang cashier sa mall, sulatan mo ng CASHIER.
DATE - kung anong petsa ka nag fill-up ng bio-data or pwede din kung anong petsa mo ito ipapasa sa iyong pag-aaplayan.
GIVEN NAME - ang iyong unang pangalan, halimbawa Juan dela Cruz, ang given name ay JUAN
SURNAME - ito ang apilyedo, ang SURNAME NI JUAN AY dela Cruz.
M.I. - ibig sabihin ay middle initial, ito ay apilyedo ng iyong mama pagkadalaga, pero kung ikaw ay babae na kasal na at ang dala mo na apilyedo ngayon ay sa iyong husband, ang MIDDLE INITIAL mo ay ang apilyedo mo pagkadalaga ngunit initial lang ang isulat, halimbawa Garcia, G. lamang ang isulat sa middle initial.
Panoorin ang video sa ibaba para sa kompletong pagtuturo kung paano mag-fill-up ng BIO-DATA.

