Paano i check ang iyong presinto ONLINE ngayong darating na halalan?
Blog post description.
INFORMATION
Janice De Herce
5/11/20251 min read


Ready ka na bang bumoto this Halalan 2025? Bago ka pumunta sa voting center, importanteng malaman mo muna kung saan ka assigned na presinto. Buti na lang, merong Precinct Finder na puwedeng gamitin online—madali at hassle-free!
Narito ang step-by-step guide kung paano gamitin ito:
✅ Step 1: Buksan ang Precinct Finder Website
Pumunta sa official website ng COMELEC Precinct Finder:
🔗 https://precinctfinder.comelec.gov.ph
✅ Step 2: Piliin kung Local o Overseas Voter ka
Sa homepage, pipili ka kung:
Local (kung botante ka sa Pilipinas)
Overseas (kung registered ka abroad via OAV)
I-click mo lang ang tamang button.
✅ Step 3: I-type ang Iyong Personal Info
Fill out the form with your:
First Name
Middle Name
Last Name
Place of Registration (province and city/municipality kung saan ka nagparehistro)
✔️ Pro tip: Kung may "Ñ" sa name mo, gamitin ang regular "N" lang.
✅ Step 4: I-check ang CAPTCHA at i-submit
I-check ang CAPTCHA box (“I’m not a robot”), then click Submit.
✅ Step 5: View Your Precinct Info
After ma-submit, makikita mo na ang:
Precinct Number
Voting Center (usually school or barangay hall)
Address ng polling place
Kung "No Record Found," pwedeng:
Mali ang info na nilagay mo, OR
Hindi ka registered, OR
Inactive ka na (di ka bumoto for 2 consecutive elections)
📌 Reminders:
Double-check spelling ng pangalan mo
Make sure tama ang city/province
Gamitin ang buong pangalan, no nicknames
❓ May problema?
Pwede kang makipag-ugnayan sa COMELEC office sa inyong city or municipality para ma-verify ang record mo.
🎯 Final Tip:
I-save or screenshot mo ang details para di mo na kailangang ulitin before election day. Tara, bumoto tayo at makiisa sa pagbabago!