CIVIL SERVICE EXAM REQUIREMENTS

Complete list of Civil Service Exam Requirements

CIVIL SERVICE EXAM

JANICE DE HERCE

4/29/20251 min read

Narito ang kompletong listahan ng Requirements para sa Civil Service Exam. Parehas lang po ang requirements sa Sub-professional at Professional level:

I. APPLICATION FORM 

Make sure na bagong revision ang I download ninyo, dito maaring mag download, https://csc.gov.ph/downloads/category/459-cse-application-form. Pwede din na sa CSC office na humingi ng form at doon na mag fill-up. 

For walk-in applicants, siguraduhin na naka fill-up na ang application form bago magtungo sa CSC personnel na mag verify ng inyong requirements. Huwag muna itong pirmahan o lagyan ng thumbmark.

For applicants na kailangan muna mag online appointment, hindi na kailangan mag download at mag fill-up ng form manually, ang gawin nyo is i download ninyo ang application form sa inyong online dashboard at iyon ang i print ninyo. Automatic na yan may fill-up. 

II. Four copies of passport size ID pictures with handwritten name tag legibly showing signature over printed full name.

I highly recommend na diretso ng magtungo sa mga photoshop mismo and tell them na you want passport size pictures for Civil Service Exam dahil alam na kaagad nila ang gagawin. Marami kasing requirement for the picture at dapat may name tag na handwritten. Kung gusto mo naman na ikaw mismo mag edit, make sure to follow the guidelines and to use high quality type of paper dahil may ibang CSC branches na istrikto sa quality ng passport size.

III. Original and photocopy of any of the valid ID cards accepted for the civil service exam. Watch the video for complete list of acceptable ID's and documents.

IV. Examination fee of PHP500.

Kadalasang Tanong;

Maari bang mag take ng Professional Level kahit college undergrad? YES, kahit sino as long as you are 18 years old at hindi pa nakapag take ng parehong level ng exam sa nagdaang 3 months ay maaaring kumuha ng sub-prof o professional level. Wala ng requirements tungkol sa kung ano ang natapos.