Civil Service Exam Rating 2026
Janice De Herce
5/7/20262 min read


Sa dulo ng article na ito ay ang link kung saan kayo makakapag generate ng CSC exam rating sa nakaraang March 8, 2026 examination.
The Civil Service Exam results is already out, at kadalasang tanong ng karamihan, nasaan ang rating? Kailan ang rating? Paano makikita ang rating? Well ang CSC EXAM PORTAL ay listahan lamang ng mga pumasa sa examination, walang ibang detalye dito maliban sa inyong pangalan at kung saan kayo nag take at anong level ang kinuha nyo.
Ang CSC EXAM RATING ay makikita sa OCSERGS o Online Civil Service Exam Result Generation System ngunit ito ay magiging available pa sa May 18, 2026. Usually 1 month after the release of the exam. Paano ba ito makita? Sundan ang sumusunod na steps:
I open ang inyong Google or Chrome at I search sa search tab ang OCSERGS o I click ang link na ito OCSERGS LINK


I fill up lahat ng kailangan at I click ang submit sa pinakadulo




Tandaan na kakailanganin ang inyong examinee number para makita ang rating. Ang examinee number ay nakikita sa CSC EXAM PORTAL kung saan ninyo nakita ang inyong pangalan ng kayo ay pumasa at may ibang region din na naglalabas sila ng examinee finder sa kanilang mga FB pages.
Makikita din ba kahit na hindi pumasa? Yes, pass or failed ay makikita mo ang iyong rating sa OCSERGS. Makikita mo ang rating sa bawat category ng Verbal, Numerical, Analytical at General info. at ang iyong total average rating na nakuha.
Sa May 18 2026 na po yan. Sana ay satisfied kayo sa inyong rating na makukuha. Pwd kayong mag subscribe dito sa ating website at huwag kalimutan I follow ang ating FB page na Civil Service Exam Quick Review.
