Araw ng Eleksyon, ideneklarang special (non-working) holiday
5/6/20251 min read


Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 878 ngayong araw, May 6, 2025 na nagdedeklara sa Araw ng Eleksyon, May 12 bilang special (non-working) holiday. Ang araw ng eleksyon ay araw ng Lunes kung saan karamihan ng voters ay mga trabahante. Ayon sa nilagdaang Proklamasyon, ang pagdeklara ay kinakailangan upang mabigyang pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na magawa ang tungkulin at karapatang bumoto.
Napakagandang balita nga ng pagdeklara ng Pangulo ng Araw ng Eleksyon bilang special (non-working) holiday. Pabor ito para sa mga empleyado na minsan ay kailangang lumiban sa trabaho para lamang makaboto. Marami sa mga nagtatrabaho ay kailangan pang bumiyahe ng malayo para lang makauwi sa kani-kanilang probinsya kung saan sila naka rehistro. Pabor din sa iba kung halimbawa ay kailangan pa din nilang pumasok sa trabaho sapagkat may dagdag silang porsyento sa kanilang sahod.
Holiday man ito o hindi, ang pinakamahalagang parte ng araw ng eleksyon ay ang pagboto mo. Hindi lang ito simpleng day-off—ito ay araw kung kailan may kapangyarihan kang pumili ng mga lider na mamumuno sa bansa.
Kaya gamitin natin ang araw na ito nang tama: bumoto nang maaga, piliin ang tama, at maging responsable.

